Monday, February 12

gusto ko maging bata

pwede bang bumalik sa pagkabata? kahit sa high school lang...

gusto ko sana tamain ung mga mali na ginawa ko. yung mga kagag*han ng teenager. baka mas masaya ako ngayon. baka sakali lang. hindi na ba pwede ibahin yung mga nangyari noon? burahin ung mga hindi kanais-nais. natuto na ako sa mga pagkakamali na yon eh. pero bakit matapos ang lahat ng pagsisisi at pag mumuni-muni, hindi na talaga maibabalik sa dati ang lahat.

sana hindi na lang ako tumanda. dahil kasama ng pagtanda ang lahat ng komplikadong problema. oo. komplikado na ang lahat. nakakaloka. kahit isang araw lang sana bumalik ako sa pagkabata.

tanong lang sa isang kaibigan: bakit ganun? nandun naman kami diba? bakit kailangan mo pa maghanap ng ibang taong mapagsasabihan? hindi ko na talaga gets ang mundo. ang labo. sana talaga hindi na lang tayo tumanda!


diba?

No comments: